Ang huni ng pipit
Sa itaas ng KalumbibitPag ang bata'y pangit
Ang lahat ay nabubuwisit.
Ang huni ng Kulyawan
Sa itaas ng kawayanPag ang bata'y mayabang
Si Tatang ay nasusuklam.
Ang huni ng batubato
Sa itaas ng makopaPag ang dalaga'y maganda
Si Kuya'y masaya.
Ang huni ng batubato
Sa itaas ng mabuloPag ang bata'y mabango
Si Impo'y napapalukso.